Home NATIONWIDE Legal na pagpapatupad ng arrest warrant kina Zaldy Co, 17 iba pa...

Legal na pagpapatupad ng arrest warrant kina Zaldy Co, 17 iba pa tiniyak ng PNP

319
0

MANILA, Philippines – Nakikipag-ugnayan ang Philippine National Police sa mga kinakailangang ahensya hinggil sa inilabas na warrant of arrest laban kay dating congressman Zaldy Co at 17 iba pa.

Sa isang pahayag, tiniyak ni PNP Acting Chief Police Lieutenant General Jose Nartatez Jr., nitong Biyernes ang legal na pagpapatupad ng mga warrant at tiniyak na susundin ang due process.

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang PNP sa Sandiganbayan at iba pang kinauukulang ahensya para matiyak ang legal at maayos na pagpapatupad ng mga warrant na ito.

“This development reflects the continuing effort of government institutions to ensure transparency and accountability in public service. The PNP remains committed to supporting these processes professionally, fairly, and without prejudice,” ayon sa pahayag ng PNP.

Sina Co at 17 iba pang akusado ang sakop ng ilang warrant of arrest na inisyu ng Sandiganbayan noong Biyernes kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Naglabas na ng hold departure orders para sa mga akusado, ngunit nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang inilabas na utos ng korte para kanselahin ang pasaporte ni Co.

Batay sa pinakabagong mga ulat, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, huling nakita si Co sa Japan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here