Home NATIONWIDE Chinese vessels, aircraft namataan sa Bajo de Masinloc – PCG

Chinese vessels, aircraft namataan sa Bajo de Masinloc – PCG

276
0

MANILA, Philippines – Aabot sa limang barko ng China at dalawang aircarft ang namataan sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea noong Nobyembre 21, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Nakita ang puwersa ng China sa isang rotuine maritime domain awareness (MDA) flight na ginawa ng Bureau of Fisheries and Aquitic Resources (BFAR) at PCG, sinabi ni PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela.

Ayon sa ulat, tatlong China Coast Guard (CCG) vessels na may bow numbers “CCG 3303,” “CCG 3502,” at “CCG 3305” ng naobserbahan na nagbabantay malapit sa shoal.

Nakita rin ang People’s Liberation Army (PLA)-Navy warships “553” at “165” nanagmamanoiobra sa timog ng shoal ,ayon kay Tarriela.

Bukod dito, isang Chinese jetfighter ang gumawa ng close pass sa timog-silangan ng shoal habang nag-MDA flight at nakita ang isang di-kilalang Chinese Navy helicopter sa kanlurang bahagi ng lugar.

Nakapagpatuloy ang BFAR aircraft sa misyon at ligtas na nakabalik.

May nadiskubre ding dlawang Chinese buoys na nakadeploy sa loob ng lagoon habang isa pa ang nakaposisyon sa northwest ng lugar.

Sinabi ng PCG na ang presensya ng mga barko at equipment ay patunay na aktibidad sa loob ng tradisyunal na fishing grounds ng mangingisdang Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here