Home ENTERTAINMENT Goma, bet manggulpi ng pulitiko!

Goma, bet manggulpi ng pulitiko!

275
0

Manila, Philippines – Matagal-tagal na ring nasa larangan ng local politics si Richard Gomez.

Naupo na siya dati bilang Ormoc City mayor ng Leyte, at ngayo’y naninilbihan bilang kinatawan ng ikaapat na distrito sa nasabing lalawigan.

Sa kanyang guesting sa radio program na Cristy Ferminute, natanong ang aktor-pulitiko kung alin ang mas pipiliin niya–showbiz o pulitika.

Tugon ni Goma, ang basic difference daw ng dalawang mundo–sa pulitika ay ang mga kalaban mo’y mga pulitiko rin.

“Daig pa nila ang mga scriptwriter at direktor,” pahayag niya.

When asked to qualify what he meant by that, sinabi ni Goma na naglipana raw ang mga pulitikong sinungaling.

In short, mga mapaggawa ng mga kuwentong salat sa katotohanan.

For this, tinawag niya ang mga ito ng “gag*”

Hindi niya raw maiaalis na mag-isip–kapag kaharap na niya ang mga ito–na gulpihin sila!

“Makakapagmura ka na lang, eh!” himutok ng aktor.

‘Yun daw ang kagandahan sa mundo ng showbiz na pinagmulan niya.

“Sa showbiz, mag-usap lang kayo.

Magharap kayo, okey na. Puwedeng pag-usapan para magkaayos kayo,” dagdag niya.

Hangga’t kaya daw niyang makapagtimpi’y hindi na siya sumasagot.

Bagkus ay: “Ipinapasa-Diyos ko na lang!”

Kamakallan, binarag si Goma ng taga-media dahil sa inilabas nitong pangalan ng mga mamamahayag na nais siyang makunan ng pahayag tungkol sa isang napapanahong usapin.

Ayon sa mga mamamahayag, ang ginawa ng aktor ay paglabag sa kapribaduhan nila.

Humingi naman agad ng paumanhin si Richard makaraang mapagtanto ang kanyang “grave mistake.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here