Manila, Philippines – Sa lakas nga naman ng kinikita niya sa vlogging ay walang materyal na bagay ang hindi kayang bilhin ni Ivana Alawi.
Name it, she can have anything she wishes that money can buy.
Isa na nga rito ayon sa kanya ay ang bet niyang diamonds.
Diretsahang sinabi ni Ivana sa kanyang vlog that contrary to what other people perceive her to be ay hindi siya ‘yung tipong gagatasan niya ang kanyang nobyo.
Puwede nga raw niyang bilhin anuman ang gustuhin niya without having to look for a guy who’s ready to splurge all his money for her.
“Diamonds lang ba, lahatin na natin!” may pagkamayabang niyang pagmamalaki.
Mali rin daw ang impression ng tao na mataas ang kanyang standards in choosing a partner.
Importante pa rin daw ang ugali kesa sa antas ng pamumuhay nito.
Dahil sa nakakagulat na rebelasyon ni Ivana that she is not what people think she is ay marami ang humanga sa kanya.
Isang netizen sa comment section ay all praises sa moral values ng sexy actress na ipinagkakanulo ng ipino-project niyang public image.
Eh, hindi nga ba’t may kasabihang huwag mong husgahan ang libro dahil sa pabalat nito? Ronnie Carrasco III