Home ENTERTAINMENT DominSue, naging sentro ng tuksuhan!

DominSue, naging sentro ng tuksuhan!

295
0

Manila, Philippines – Idinaan sa kantahan ang kadisimuladong paraan nina Sue Ramirez at Dominic Roque upang nai-express nila ang feelings nila sa isa’t isa.

Viral ang isang video kung saan makikita’t maririnig na kumakanta si Sue.

From the looks of it, very intimate ang bonding nina Sue at Dominic kasama ang kanilang mga friends.

It took place at a private residence na may videoke.

Kinanta ni Sue ang sikat na duet ng dating mag-asawang Pops Fernandez at Martin Nievera na Bakit Ngayon Ka Lang?

‘Yun nga lang, hindi ka-duet ni Sue ang nobyong si Dom.

Dom was seated on a sofa about a few meters away from Sue na nakasalampak sa isang upuan.

While Sue was singing the song ay siya namang umaalingawngaw ang tuksuhan ng kanilang mga kaibigan.

Madalas pumaling ang camera kay Dominic na panay ngiti lang while taking sips of what looked like wine.

Mahihinuhang idinaan ni Sue sa nasabing awitin kung bakit–as the lyrics of the song say–ngayon lang dumating si Dom sa buhay niya.

Dom’s meaningful smiles proved to be a validation of Sue’s message.

Marami tuloy ang curious kung marunong din bang kumanta si Dom.

Otherwise he would have sung the part na assigned sa lalaking kaduweto.

Matatandaang inunti-unti nina Sue at Dom ang mga netizens before finally coming out in the open.

Ngayong officially ay sila na nga, ang susunod ba nating maririnig ay wedding bells as Sue marches down the aisle?

Who knows? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here