Home NATIONWIDE NAIA biometric e-gates gagamitin na sa Disyembre – NNIC

NAIA biometric e-gates gagamitin na sa Disyembre – NNIC

261
0

MANILA, Philippines – Gagamitin na pagsapit ng Disyembre ang biometric immigration e-gates nito Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sinabi ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) nitong Sabado, Nobyembre 22.

Sa kalatas, sinabi ng NNIC na ang planong activation ng e-gates sa paliparan ay bahagi ng hakbang nito na mapabuti pa ang pagproseso sa mga pasahero.

Ang e-gates ay pagaganahin ng Amadeus, isang global travel-technology provider, at pangangasiwaaan naman ng Bureau of Immigration (BI).

Bahagi rin ang teknolohiya, ayon sa NNIC, ng automated border-control system sa pamamagitan ng passport-scanning at facial-recognition technology para mabawasan ang oras ng paghihintay at mapabuti ang throughput, o dami ng datos na dumadaan sa sistema.

Ilalagay ang mga e-gate na ito sa Terminals 1 at 3 ng NAIA kung saan obligado ang immigration checks.

Nakatakdang simulan sa Disyembre ang unang phase nito at ang full deployment ay inaasahan sa unang bahagi ng 2026.

Pinagsasama ng proyekto ang pondo ng NNIC kasama ang BI-provided operational components.

Sa oras na mapagana, ang sistema ay gagana kasama ang biometric passenger touchpoints na pinasimulan ng NNIC sa check-in, security screening, at boarding.

“Our goal is to make each part of the airport experience more comfortable for passengers,” pahayag ni NNIC president Ramon Ang.

“These eGates will help reduce bottlenecks at immigration and support the broader improvements we have been introducing across NAIA,” dagdag ni Ang.

Noong nakaraang taon, nakapagproseso ang NAIA ng mahigit 50 milyong pasahero na lampas sa original design capacity nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here