Home NATIONWIDE Brawner sa freshmen cadets ng PMA: Steer clear of political noise

Brawner sa freshmen cadets ng PMA: Steer clear of political noise

308
0

MANILA, Philippines — Hinimok ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga bagong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) “to rise above the noise” sa kabila ng maingay na politika.

Sa kanyang talumpati sa recognition rites ng 333 bagong cadets ng PMA Class Madasilak 2029 nitong Sabado, Nobyembre 22, sinabi ni Brawner na hindi dapat magpadala ang mga kadete sa “shallow” at “divisive” na komentaryo.

“Do not allow yourself to be misled by shallow commentary or to be provoked by divisive commentary,” aniya sa mensaheng ipinost ng AFP sa social media.

Hinimok niya ang mga kadete na mag-isip nang kritikal, magsalita nang may pagpipigil, kumilos nang may pag-iingat, at “hanapin ang katotohanan.

Ayon kay Navy Lt. Commander Jermaine Dacanay, acting chief ng PMA Public Information Office, binigyang-pugay ni Brawner ang mga unang tagumpay ng Class Madasilak mula sa kanilang unang march at inspeksyon, hanggang sa unang pagkakamali at tahimik na tagumpay.

“Each one has already begun shaping the officer you will become,” ani Brawner, miyembro ng PMA Makatao Class of 1989.

Ang mga plebe ay unang sumailalim sa reception rites noong Hunyo pagpasok nila sa akademya. Sa Recognition Day, pormal silang tinatanggap bilang bahagi ng Corps of Cadets matapos malagpasan ang matinding pisikal na pagsasanay.

Tradisyon sa seremonya ang pagbuo ng mga kadete ng isang octagon formation sa Borromeo Field, kung saan sila ay tumatayo nang naka-at attention at nakaliyad nang husto hanggang iabot ng senior cadet ang kamay bilang simbolo ng kanilang opisyal na pagkakapabilang sa Corps. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here