UNITED STATES — Apat ang sugatan matapos ang pamamaril sa isang Christmas tree lighting event sa Concord, North Carolina, nitong Biyernes ng gabi, ayon sa lokal na awtoridad.
Tatlo sa mga biktima ang nasa kritikal na kondisyon habang isa naman ang nasa stable na kalagayan.
Hindi pa malinaw kung may natukoy nang suspek o motibo sa insidente.
“Police are reviewing footage from the event and speaking with multiple witnesses,” ayon sa pahayag ng lungsod.
Sa mga video at larawan na kumalat online, makikitang nagkakagulo ang mga tao habang tumatakbo palayo sa lugar.
Ayon sa website ng siyudad, ang 28th annual tree-lighting ceremony ay inaasahang dadaluhan nina Santa at Mrs. Claus, tampok ang food trucks, screening ng The Grinch, at fireworks display. RNT/JGC