Home NATIONWIDE Mabigat na daloy ng trapiko ibinabala ng QC LGU sa tatlong kalsada...

Mabigat na daloy ng trapiko ibinabala ng QC LGU sa tatlong kalsada para sa End VAW bike ride

318
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Quezon City government sa mga motorista ng mabigat na daloy ng trapiko sa tatlong kalsada sa lungsod ngayong Linggo, Nobyembre 23 para sa idaraos na Cycle to End VAW (violence against women) Bike Ride event.

Sa abiso, sinabi ng QC LGU na asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga ruta ng Cycle to End VAW Bike Ride event.

Kabilang dito ang mga sumusunod na kalsada:

Tomas Morato Ave.
Sct. Rallos St.
Mother Ignacia Ave.

Ang bike-ride event ay bahagi ng taunang 18-day campaign para wakasan ang karahasan laban sa mga kababaihan.

Ito ay sisimulan alas-7 ng umaga.

Sabado pa lamang ng gabi ay isinara na ang mga sumusunod na kalsada:

Sct. Torillo cor. Sct. Rallos
Sct. Torillo cor. Sct. Limbaga
Sct. Torillo cor. Sct. Fernandez

At ang full road closure naman ay ipinatupad kaninang ala-1 ng madaling araw sa:

Tomas Morato from Sct. Fuentebella hanggang Timog Ave.

Habang ang full road closure pagsapit ng 4:30 am ay ipinatupad sa:

Mula Timog Ave. hanggang Don A. Roces Ave.; Sct. Tuason; Sct. Torillo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here