MANILA, Philippines – Iba’t ibang weather systems ang makakaapekto sa bansa ngayong Linggo, Nobyembre 23.
Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms ang shear line sa Apayao, Cagayan, Isabela, at Quirino.
Dahil naman sa ITCZ ay makararanas ang Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, Eastern Samar, Southern Leyte, at Bohol ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm, habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms.
Ang Northeast Monsoon o Amihan naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley, at bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains naman sa Ilocos Region.
Samantala, easterlies ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Aurora, Quezon, at Camarines Norte, habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC