Home ENTERTAINMENT Pia Moran, proud sa bagets na jowa!

Pia Moran, proud sa bagets na jowa!

314
0

Manila, Philippines – What do Ai Ai de las Alas and Dra. Vicky Belo have in common?

Obyus na kapwa sila nakatagpo ng mga lalaking itinadhana para sa kanila: si Ai Ai sa asawang si Gerald Sibayan (ngunit hiwalay na); si Dra. Vicky kay Hayden Kho.

Patunay lang na sa larangan ng pag-ibig ay hindi kailanman isyu ang edad o agwat ng mga edad ng dalawang taong nagmamahalan.

Bukod kina Ai Ai at Dra. Vicky, magtataka pa ba tayo kung marami pa rin ang nai-inspire ng kanilang kuwento that “love knows no age”?

For sure, naaalala pa rin ng publiko ang sexy dancer-actress na si Pia Moran who shot to fame in the 80s.

At 61, Pia has finally found her match: isang 32 anyos na lalaki who she hopes to marry.

All this time, never been married at nagkaroon ng anak ang binansagang Miss Body Language.

Pero the last boyfriend Pia had was seven years ago.

Quite long, hindi na nga raw inakala pa ni Pia na magmamahal siya uli.

Without dropping the name’s guy–and even a bit of his background–taong 2020 raw noong magkakilala sila sa Facebook.

Back then, hindi pa raw siya handang umibig uli as she was too busy.

So was the guy.

Pero sadya talagang pinagtiyap sila ng tadhana as their paths crossed anew many years later.

Muli raw siyang niligawan nito, and Pia immediately seized the chance.

Asked to describe her feeling now: “Masayang-masaya ako. Kahit pala ito na ang edad ko, eh, kaya ko pa rin palang magmahal!”

Kung balik-pag-ibig si Pia ay balik-showbiz din siya.

Lumabas na si Pia sa pelikulang Lola Magdalena ni direk Joel Lamangan as she played Luningning. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here