Home NATIONWIDE “The AI Talks with The VoiceMaster” pinangalanang Asia’s Most Innovative AI Program...

“The AI Talks with The VoiceMaster” pinangalanang Asia’s Most Innovative AI Program sa Radyo at Spotify

520
0

MANILA, Philippines — Nasungkit ng AI Talks with The VoiceMaster, Pocholo de Leon Gonzales ang parangal bilang Asia’s Most Innovative AI Program on Radio and Spotify sa Asia’s Pinnacle Awards 2025: Summit of Excellence sa Okada Manila, isang makasaysayang tagumpay para sa bansa at sa rehiyon.

Ang pagkilalang ito ay kasabay ng ika-20 AnniVoicesary ng CreatiVoices Productions, ang kauna-unahang Filipino voice company na itinatag ni Pocholo De Leon Gonzales, na mas kilala bilang The VoiceMaster of the Philippines.

Ang AI Talks with The VoiceMaster ang unang Filipino radio at podcast program na nagsasanib ng human voice, AI education, at Filipino storytelling upang gawing madali, relatable, at kapaki-pakinabang ang artificial intelligence para sa bawat Pilipino.

Napapakinggan sa Radyo Pilipinas 738 kHz at sa Spotify worldwide, isinusulong ng programa ang AI sa paraang simpleng Taglish para sa mga estudyante, OFW, MSMEs, guro, creators at government frontliners na nais matutunan kung paano makatutulong ang AI sa pang-araw-araw na buhay at trabaho.

“AI should not replace the Filipino voice… it should amplify it,” pahayag ni Pocholo De Leon Gonzales. “I created this program so that in the age of technology, the Filipino will not be left behind… but will LEAD the way.”

Kasabay ng pag-angat ng programa, ipinakilala rin ng AI Talks sina AIRA at AIVAN — ang unang AI news reporters sa Asia — sa segment na Balitang AI. Layunin nilang ipaliwanag ang AI news sa simple, engaging at local na paraan, patunay na kayang magsilbing gabay ang AI tungo sa edukasyon at empowerment ng publiko. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here