MANILA, Philippines – Wala pa ring nananalo ng jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na umaabot na sa P140.5 million, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, Nobyembre 22.
Sa draw ng PCSO, walang nakahula sa winning combination ng Grand Lotto 6/55 na 03-40-11-53-39-26.
Bukod dito, wala ring tumama ng winning number para sa Lotto 6/42 draw sa jackpot prize na P9.2 million.
Ang lucky combination para rito ay 10-30-12-15-33-20. RNT/JGC