Home NATIONWIDE Mga opisyal mula sa Danish Maritime Authority mainit na tinanggap ng MARINA

Mga opisyal mula sa Danish Maritime Authority mainit na tinanggap ng MARINA

292
0

MANILA, Philippines – Mainit na tinanggap ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang mga opisyal mula sa Danish Maritime Authority (DMA) upang talakayin ang mga potensyal sa larangan ng technical cooperation lalo na sa green shipping, ship safety, seafarer’s training at digitalization.

Binanggit ni MARINA administrator Sonia Malaluan ang nagpapatuloy na pagsisikap para mapahusay ang kaligtasan ng mga barko para sa domestic ferries at advance initiatives sa digitalization at ship decarbonization na binanggit na ang certification system ng bansa ay nasa advanced stage na.

Layon ng pagpupulong na matukoy ang prayoridad na lugar sa ilalim ng Denmark’s Strategic Sector Cooperation na nagbubukas ng mga oportunidad para sa development funding at technical support para sa key maritime subsectors.

Sinabi ng MARINA na ang pagtutulungan at magpapalakas sa kapabilidad ng Maritime at tulungan na masiguro na maging competitive ang mga Filipino seafarers sa global industry. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here