Home METRO Lalaking wanted sa rape na nagtago ng 22 taon, arestado sa Valenzuela

Lalaking wanted sa rape na nagtago ng 22 taon, arestado sa Valenzuela

253
0

MANILA, Philippines – Nagwakas ang matagal nang pagtatago mula sa batas ng isang lalaking most wanted sa kasong rape makaraang maaresto ito sa naganap na manhunt sa Valenzuela City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Valenzuela Police chief P/Col. Joseph Talento, ang akusadong 42 anyos na wanted sa kasong rape sa Camarines Sur na halos mahigit sa 22 taong nagtago sa Valenzuela.

Matapos makumpirma ang kinaroroonan nito, ikinasa ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela Police ang pagtugis sa akusado hanggang sa matiyempuhan nila ito dakong alas-9:20 ng gabi sa People’s Park, Barangay Karuhatan.

Hindi na nakapalag ang akusado nang damputin siya ng mga operatiba ng SIS sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape na inisyu ng Regional Trial Court, Fifth Judicial Region, Branch 38, Camarines Norte, noong May 26, 2003, na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here