Home NATIONWIDE DSWD: Higit 1M food packs inihanda sa mga maaapektuhan ni Verbena

DSWD: Higit 1M food packs inihanda sa mga maaapektuhan ni Verbena

385
0

MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang relief assistance nito at nakahanda sa posibleng epekto ng Tropical Depression Verbena sa ilang bahagi ng bansa.

Sa pahayag, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group (DMRG) na mahigit isang milyong family food packs (FFPs) ang nakahanda bago pa manalasa ang bagyong Verbena.

“Ang DSWD po ay may nakahandang 1,058,580 FFPs na naka-preposition sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Bukod dito ay tuloy-tuloy rin ang repacking operations sa Luzon Disaster Resource Center (LDRC) at Visayas Disaster Resource Center (VDRC) para ma-replenish natin ang mga naipamahaging food packs sa mga nagdaang bagyo,” ani Dumlao, DSWD spokesperson.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Field offices ng DSWD sa Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, at CARAGA sa mga lokal na pamahalaan upang masiguro na may sapat na suplay ng relief items sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng bagyong Verbena.

“As directed by Secretary Rex Gatchalian, patuloy ang aming communication sa mga local chief executives (LCEs) para masigurado na mayroong food and non-food items na present sa kani-kanilang mga lugar bago pa man dumating ang bagyo,” sinabi pa ni Dumlao.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang pamilyang magugutom lalo na sa panahon ng kalamidad.

Bukod sa relief items, nakahanda rin ang specialized equipment ng DSWD para sa rapid deployment.

Kabilang dito ang mobile command center (MCC) para sa on-site coordination, mobile kitchen sa hot meals ng mga evacuees, water trucks para sa pagtugon sa kakulangan sa tubig, at water treatment units para sa ligtas na inuming tubig.

Nagpaalala naman si Dumlao sa mga Filipino na maging alerto sa sama ng panahon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here