Home ENTERTAINMENT EB, may ligal nang hakbang vs Anjo!

EB, may ligal nang hakbang vs Anjo!

288
0

Manila, Philippines – Si Ryan Agoncillo muna ang nagsilbing tagapagsalita ng buong Dabarkads nang hingan ng pahayag tungkol kay Anjo Yllana.

Si Ryan ay isa sa mga host ng longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga.

Dabarkads naman ang collective term bilang tawag sa mga taong bumubuo nito.

Kabilang din sa Dabarkads ang mga tumatangkilik sa programa.

Ayon kay Ryan nang interbyuhin ni MJ Marfori, sa kanyang pagkakaalam ay may ginagawa nang ligal na hakbang ang EB laban kay Anjo.

Nitong mga nakaraang araw, naging overly critical si Anjo–na nagsilbi ring co-host noon–sa nasabing show.

Partikular na inatake ni Anjo si Tito Sen o mas higit na kilala bilang si Senator Tito Sotto.

Diumano’y may kabit daw ang Senate President noon pang 2013.

Tumanggi namang pumatol ang mambabatas, saying na nagpapapansin lang daw si Anjo.

Sunod na tinira ni Anjo si Jose Manalo na nang-ahas umano ng kanyang dating nobya at ngayo’y misis na ni Jose na si Mergene Maranan.

Maging si Allan K ay siniraan din ni Anjo dahil umano sa naging nakaraan nito noong wala pa sa professional basketball ang ngayo’y San Juan Councilor na si James Yap.

As for Ryan, tiniyak naman niya na ang buong EB Dabarkads ay mananatiling isang “solid unit” na one for all, all for one.

Posibleng maharap si Anjo sa mga kasong cyberlibel at oral defamation. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here