Home NATIONWIDE PCG naka-heigtened alert sa posibleng epekto ng bagyong Verbena

PCG naka-heigtened alert sa posibleng epekto ng bagyong Verbena

255
0

MANILA, Philippines – Nakahanda na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa posibleng pananalasa at epekto ng bagyong Verbena sa ilang bahagi ng bansa.

Sa Romblon, naka-heightened alert ang PCG kung saan patuloy ang pagbabantay sa kondisyon ng panahon, pagpapatrolya sa mga coastal communities at sinisiguro ang kahandaan ng kanilan respnse teams para sa kaligtasan ng publiko.

Nananatili ang PCG sa pangako nito sa pagbibigay ng napapanahong tulong at pagtiyak sa maritime safety sa panahon ng severe weather situations.

Sa mga apektado ng bagyong Verbena, mahigpit na pinaalalahanan ang mga mangingisda na manatiling alerto at makinig sa mga balita ukol sa nagpapatuloy na sama ng panahon.

Hinikayat din ang mga ito na iwasang maglayag para sa kanilang kaligtasan.

Samantala, inalalayan ng PCG ang local Disaster Risk Reduction and Management Office sa pagsasagawa ng pre-emptive evacuation sa Sitio San Jose, Tagom-Tagom, Barangay Bulad, Isabela, Negros Occidental sa gitna ng Tropical Depression Verbena. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here