Home NATIONWIDE PBBM may madamdaming mensahe sa 30th birthday ng anak na si Si

PBBM may madamdaming mensahe sa 30th birthday ng anak na si Si

256
0

MANILA, Philippines – NAGBIGAY ng kanyang madamdaming mensahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa kanyang pangalawang anak na si Joseph Simon, magiliw niyang tinatawag na “Si” na nagdiriwang ng kanyang ika-30 taong kaarawan.

Sa isang social media post, ibinahagi ng Pangulo ang photo collage nilang mag-ama mula sa mga unang taon hanggang sa kasalukuyan.

“Happy Birthday, Si! Hope your year is filled with good days, good friends, and just the right kind of blues to keep you smiling. We love you!” ang mababasa sa kapsyon.

Si Joseph Simon ay gitnang anak ng First Couple na sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos. Nagtamo siya ng kanyang bachelor’s degree in Business Administration and Management mula Oxford Brookes University. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here