Home NATIONWIDE Social media ban sa edad 16 pababa, plano ng Malaysia

Social media ban sa edad 16 pababa, plano ng Malaysia

297
0

MALAYSIA – Plano ng Malaysia na pagbawalan sa paggamit ng social media ang mga mamamayan nito edad 16 pababa simula sa susunod na taon.

Ayon kay Communications Minister Fahmi Fadzil, sinusuri nila ang mga mekanismo na gagamitin para ipatupad ang age restrictions, katulad ng ginamit sa Australia at iba pang bansa para protektahan ang mga kabataan mula sa cyberbullying, financial scams, at child sexual abuse.

“We hope by next year that social media platforms will comply with the government’s decision to bar those under the age of 16 from opening user accounts,” aniya.

Nakababahala din umano ang lumalagong epekto ng social media sa kalusugan at kaligtasan ng mga kabataan.

Sa Australia ay nakatakdang i-deactivate na ng social media platforms ang mga account ng mga user nitong 16 anyos pababa sa susunod na buwan.

Sinusubukan na rin ng France, Spain, Italy, Denmark at Greece ang template para sa age verification app. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here