Home HOME BANNER STORY 22 paaralan iniimbestigahan sa ‘ghost students’

22 paaralan iniimbestigahan sa ‘ghost students’

259
0

MANILA, Philippines – Pinalutang sa deliberasyon ng Senado sa badyet ng Department of Education ang isyu patungkol sa korapsyon sa Senior High School Voucher Program.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, mayroon umanong libo-libong “ghost students” ang naka-enroll mula 2021 hanggang 2024 sa ilalim ng senior high school program sa Pangasinan, at pinagbantaan pa umano ang mga complainant matapos nila itong punain.

“Alam po ba ito ng DepEd? Kung ganon, ano po ang naging aksyon dito? May naparusahan ba?” tanong ni Hontiveros

Kinumpirma naman ni Budget sponsor Senador Sherwin Gatchalian na mayroong nagpapatuloy na imbestigasyon sangkot ang mga paaralang ito.

“The DepEd sila mismo nakakita nitong mga ghost students at inaksyunan ho nila kaagad,” tugon ni Gatchalian

Sa katunayan ay mayroon na aniyang mga reklamong inihain laban sa pitong paaralan na sangkot sa “ghost students” habang ang 22 ay iniimbestigahan pa.

Mayroon na ring inireklamong dalawang empleyado ng DepEd kaugnay nito.

Kung mapatutunayan, ang 22 paaralan na kasalukuyang iniimbestigahan ay mahaharap sa reklamong ihahain ng DepEd ngayong taon.

Hindi pa inilalabas ang listahan ng mga paaralang sangkot dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here