Home NATIONWIDE Jinggoy naniniwala, K to 12 palpak!

Jinggoy naniniwala, K to 12 palpak!

220
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senador Jinggoy Estrada na palpak ang K to 12 education program.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Estrada sa deliberasyon ng Senado sa badyet ng Department of Education.

Aniya, “I think this is a failure, since lahat yung mga nakapagtapos na sa senior high school pag nag-aapply sila ng trabaho ang hinahanap nila ay college graduate pa rin.”

Dagdag nito, nakatatanggap ang kanyang opisina ng mga tawag na nananawagan ng pagbuwag sa senior high school program na sa halip na makadagdag ng kakayahan ng estudyante ay dagdag gastusin lamang.

Ang dalawang karagdagang taon sa programa ay nangangahulugan ng dagdag na gastusin sa tuition, libro, food allowances, pamasahe at iba pa.

Sumagot naman si Senate Finance Committee chair at budget sponsor Sherwin Gatchalian na layon ng programa na maiangkop ang mga estudyanteng Pinoy sa global standards.

“Almost 99% ng mga bansa ay meron na pong K to 12. So, yun po yung isang rationale kaya po bakit tayo nag K to 12 para maging aligned tayo sa global standards,” ani Gatchalian. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here