Home NATIONWIDE Tirahan ng 20 pamilya sa Butuan wash-out sa baha

Tirahan ng 20 pamilya sa Butuan wash-out sa baha

262
0

MANILA, Philippines – Nawalan ng tirahan ang 20 pamilya sa Barangay Bitan-agan sa Butuan City matapos ragasain ng baha ang kanilang mga tirahan kasabay ng pananalasa ng Tropical Depression Verbena.

Isinagawa rin ang forced evacuation ng 115 pamilya o 440 indibidwal sa anim na barangay sa Butuan City, ayon sa report ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD).

Ang mga inilikas ay mula sa Barangay Bonbon, Amparo, Bit-os, Ambago, Bitan-agan, at Bancasi.

Kasalukuyang tumutuloy sa mga evacuation center ang mga inilikas na pamilya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here