Home NATIONWIDE 30% ng mga Pinoy nagsabi, kalidad ng buhay mas mabuti noong nakaraang...

30% ng mga Pinoy nagsabi, kalidad ng buhay mas mabuti noong nakaraang taon

254
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG 30% ng mga Filipino adults ang nagsabing ang kalidad ng kanilang buhay ay mas mabuti noong nakaraang taon habang 32% naman ang nagsabing naging malala ito.

Sa report ng Social Weather Stations (SWS) para sa third quarter survey, ipinalabas araw ng Lunes, sinabi ng SWS na 38% ang nagsabi na ang kalidad ng kanilang buhay ay pareho lamang.

“The Net Gainers score — the difference between the percentages of “Gainers” and “Losers” — was at -2,” ayon sa ulat. Kinlasipika ito ng SWS bilang “fair” (0 to -9).

“This is 14 points below the high +12 in June 2025, and the lowest since the fair -2 in September 2023,” ayon sa SWS.

“The Net Gainers went down in all areas. The Net Gainers score was highest in Mindanao at high +3, followed by the Visayas at high +1, Balance Luzon (the rest of Luzon outside Metro Manila) at fair -4, and Metro Manila at fair -8,” ang sinabi pa rin ng SWS.

“Compared to June 2025, Net Gainers dropped from very high to fair in Mindanao, down by 13 points from +16. It dropped from excellent to fair in the Visayas, down by 21 points from +22,” ayon sa SWS.

“It decreased from very high to fair in Metro Manila, down by 18 points from +10. It slipped from high to fair in Balance Luzon, down by 10 points from +6,” anito pa rin.

Bumaba ang Net Gainers kapuwa sa urban at rural areas.

Sa hanay ng mga kababaihan at kalalakihan, bumagsak ang net gainers.

“Net Gainers fell from very high to fair among women, down by 16 points from +15 in June 2025 to -1 in September 2025. It fell from high to fair among men, down by 12 points from +9 to -3,” ang sinabi ng SWS.

Bumaba ang Net gainers sa lahat ng age groups, lalo na sa 55 taong gulang pataas; at lahat ng educational levels, lalo na sa elementary graduates.

Sinabi ng SWS na ang mas mataas na Net Gainers ay naiulat sa hanay ng “Not Poor” na pamilya kaysa sa “Borderline” at “Self-Rated Poor” na mga pamilya.

Base sa kamakailan lamang na survey, 50% ng mga pamilyang Filipino a ni-rate ang kanilang mga sarili bilang Poor, 12% ang ni-rate ang kanilang mga sarili bilang Borderline, at 38% ang ni-rate ang kanilang mga sarili bilang Not Poor.

“The Net Gainers score has historically been lower among the Poor than the Borderline and Not Poor. This means the Poor have more Losers and fewer Gainers than the Borderline and Not Poor,” ayon sa SWS.

“Net Gainers was high +9 among the Not Poor and very high +10 among the Borderline, compared to mediocre -13 among the Poor,” dagdag na wika nito.

Sinabi ng SWS, kumpara sa September 2025 record, bumaba ng 10 puntos ang iskor ng Net Gainersmla sa ‘very high +19’ sa hanay ng Not Poor. Bumaba ito ng 21 puntos mula sa high +8 sa hanay ng Poor.

Subalit tumaas naman ang iskor ng Net Gainers score ng 6 puntos mula high +4 sa hanay ng Borderline.

Sa kabilang dako, ang Third Quarter 2025 Social Weather Survey ay idinagawa mula September 24 hanggang 30, 2025.

Gumamit ang mga researchers ng face-to-face interviews sa 1,500 adults (18 taong gulang pataas sa buong bansa; 300 sa Metro Manila, 600 sa Balance Luzon (or Luzon sa labas ng Metro Manila), at 300 sa Visayas at 300 sa Mindanao.

Ang sampling error margins ay ±3% para sa national percentages, ±4% para sa Balance Luzon, at ±6% sa bawat isa.. sa Metro Manila, sa Visayas, at Mindanao. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here