MANILA, Philippines – Matapos lumabas ang ulat na naaresto na si dating Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ng Department of Justice (DOJ) na wala pa silang natatanggap na opisyal na impormasyon ukol dito.
Sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na agad silang magbibigay ng update sakaling kumpirmado na ang ulat.
Nito lamang Lunes, Nobyembre 24 nang maglabas ng kautosan ang Pasid City Regional Trial Court na kanselahin ang pasaporte ni Roque kasama si Cassandra Li Ong dahil sa pagkakasangkot umano nila sa human trafficking sa sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga.
Samantala, sa kanyang Facebook page, inihayag naman ni Roque na walang katotohanan ang balita na siya ay naaresto na sa The Netehrlands.
Katunayan, sinabi niya na mayroon siyang scehduled flight patungong Vienna, Austria ngayong araw, Nobyembre 25.
Ipinakita rin ang kanyang plane ticket na nagpapatunay ng kanyang paglalakbay sa naturang bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden