Home NATIONWIDE Public school sa Bacoor binulabog ng bomb threat

Public school sa Bacoor binulabog ng bomb threat

333
0

MANILA, Philippines – Mabilis na pinalikas ang mga estudyante, guro at mga empleyado ng isang pampublikong paaralan makaraang nakatanggap ng banta sa social media na pasasabugin ang eskuwelahan sa Bacoor City, Cavite.

Base sa nakalap na impormasyon, nakatanggap umano ng tawag ang pulisya mula kay alyas Amor na nakatanggap ng mensahe bandang alas-7:52 ng umaga mula sa Facebook page ng mga opisyal ng Bacoor Elementary School sa Brgy Poblacion, Bacoor City Cavite na pasasabugin ang eskuwelahan.

Mabilis naman pinalabas ang lahat ng mga mag-aaral, guro at mga empleyado at inipon sa isang lugar.

Kaagad na rumesponde ang PNP Explosive and Ordance Division at kinordonan ang buong lugar ng nasabing eskuwelahan saka inispeksiyon.

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala namang nakitang mga pampasabog. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here