MANILA, Philippines – Suspendido pa rin ang klase sa ilang lugar ngayong Miyerkoles, Nobyembre 26, 2025, dahil sa epekto ng Bagyong Verbena.
Sa Region II, kanselado ang lahat ng klase sa Echague, Isabela, habang sa Tuguegarao City sa Cagayan ay walang face-to-face classes mula kinder hanggang senior high school at lilipat sa alternative learning.
Sa Region IV-A, ipinahinto ang lahat ng klase sa Mulanay, Quezon.
Sa Mimaropa, tigil-klase sa lahat ng antas sa Cuyo, Coron, Linapacan, Taytay, El Nido, Culion, at Aborlan sa Palawan. Sa Bicol Region, walang face-to-face classes sa buong Sorsogon at gumagamit ng alternative learning.
Kanselado rin ang in-person classes sa mga bayan ng Tiwi (Albay), Tinambac (Camarines Sur), at sa Camarines Norte—Daet, Labo, Basud, Capalonga, Talisay, at Vinzon.
Sa Region XVIII, sinuspinde ang lahat ng klase sa Binalbagan, Hinigaran, at Ilog sa Negros Occidental. RNT