Home NATIONWIDE Malakanyang muling tiniyak: walang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ‘gang...

Malakanyang muling tiniyak: walang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ‘gang Dis. 31, 2026

2
0
via Jun-Andeng Ynares' FB Page

MANILA, Philippines – Walang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at mahahalagang produkto hanggang sa katapusan ng taon.

Ito ang sinigurado ng Department of Trade and Industry, sa pangunguna ni Secretary Cristina Roque, alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi dapat magtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at mahahalagang produkto na nakapaloob sa opisyal na suggested retail price o SRP ng ahensiya.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang,

Sa report ng DTI, nananatili aniya ang presyo ng mga DTI-supervised basic necessities and prime commodities hanggang December 31, 2026.

Kabilang aniya rito ang 190 products na mahigpit na binabantayan ng DTI at nagsisilbing batayan ng mga tindahan at mamimili sa presyo ng bilihin.

Kinumpirma din aniya ng ahensiya na hindi maapektuhan ang supply ng mga essential goods sa buong bansa.

“At upang matiyak na alam ng publiko kung aling mga produkto ang sakop nito, makikita ang opisyal na SRP bulletin sa mga supermarket at grocery sa buong bansa. Maaari rin itong tingnan sa opisyal na website at social media accounts ng DTI,” ang sinabi ni Castro.

Sa kabilang dako, oatuloy din ang ugnayan ng DTI sa mga manufacturer at retailer upang mabantayan ang supply, matiyak ang tuluy-tuloy na paghahatid ng mga produkto at mapanatili ang abot-kaya at matatag na presyo ng mga bilihing sakop ng ahensiya sa buong bansa.

Mayroon namang joint market monitoring ang DTI at ang Department of Agriculture, sa pangunguna ni Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. upang mabantayan ang presyo ng mga bilihin sa palengke.

At para naman aniya sa mga katanungan, reklamo tungkol sa paglabag sa presyo at problema sa supply ng mga produktong nakalista, maaaring tumawag sa DTI Hotline 1384 o mag-email [email protected]:[email protected] at [email protected]:[email protected]. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here