Home NATIONWIDE 30 Chinese military, coast guard ships namataang umaaligid sa WPS

30 Chinese military, coast guard ships namataang umaaligid sa WPS

270
0

MANILA, Philippines – Nakita ang 30 Chinese military at coast guard ships malapit sa apat na Philippine-held features sa West Philippine Sea, ayon sa isang opisyal ng Philippine Navy nitong Martes.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hanggang 5 p.m. noong Lunes, may apat na PLAN ships at walo CCG vessels sa Bajo de Masinloc; isang PLAN ship at anim CCG vessels sa Ayungin Shoal; isang PLAN ship at limang CCG vessels sa Escoda Shoal; at limang CCG vessels sa Pag-asa Island.

Ani Trinidad, walang agresibong kilos ang mga barko, ngunit “illegal” ang kanilang presensya.

“This is as of 1700 yesterday… We expect these numbers to go down when the typhoon hits the WPS,” dagdag niya kaugnay ng Tropical Depression Verbena.

Binigyang-diin din niya na patuloy ang pag-patrol ng Philippine Navy at Air Force sa lugar.

Ang West Philippine Sea ay bahagi ng South China Sea, na inaangkin nang buo ng Beijing, ngunit nanalo ang Pilipinas sa isang international arbitration case noong 2016 na nagkakansela sa claim ng China. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here