Home HOME BANNER STORY VP Duterte, handang maging Pangulo kung magbibitiw si Marcos Jr.

VP Duterte, handang maging Pangulo kung magbibitiw si Marcos Jr.

317
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Vice President Sara Duterte noong Nobyembre 25 na handa siyang pumalit sa puwesto ng Pangulo kung magbitiw si President Ferdinand Marcos Jr. dahil sa mga isyu sa korapsyon.

“Wala nang tanong dun kung ano ang gagawin ko. Yun ang mandate sa akin ng Constitution, at alam ko yun noong tumakbo ako at binoto niyo ako bilang Vice President,” ani Duterte.

Hinimok din niya si Marcos Jr. na sumailalim sa drug test para sa kapakanan ng publiko.

“Hindi ka puwedeng humindi… This is a drug test na invested ang public,” dagdag niya, at sinabi niyang sasamahan niya si Marcos Jr. at posibleng sumali rin si Sen. Imee Marcos.

Binigyang-diin ng Malacañang na hindi opsyon ang pagbibitiw ni Marcos Jr. sa gitna ng paratang ng kanyang kapatid na si Imee Marcos tungkol sa paggamit ng ilegal na droga. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here