Home OPINION 13th MONTH PAY DAPAT IBIGAY NG MGA EMPLOYER BAGO MAG_DISYEMBRE 24

13th MONTH PAY DAPAT IBIGAY NG MGA EMPLOYER BAGO MAG_DISYEMBRE 24

462
0

MULING nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa lahat ng employer sa pribadong sektor na obligasyon nilang ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga manggagawa bago sumapit ang December 24, 2025, alinsunod sa itinatadhana ng batas.

Ayon kay Director Alvin Cura­da ng DOLE – Bureau of Working Conditions (BWC), matagal nang nagpahayag ng abiso si Secretary Bienvenido Laguesma, mula pa noong huling Linggo ng October 2025 ay pinaalalahanan na ang mga employer tung­kol sa mandatoryong benepisyo ng kanilang rank-and-file emplo­yees.

Alinsunod sa Labor Code of the Philippines at Presidential Decree 851, lahat ng rank-and-file employees sa pribadong sek­tor ay may karapatan sa 13th month pay, anoman ang posisyon o designation, employment status (regular, contrac­tual, casual, seasonal), at pa­raan ng pagtanggap ng sahod (arawan, lingguhan, buwanan).

Kasama rin sa may karapatan tumanggap ng 13th month pay ang mga:
– Manggagawang piece-rate o tumatanggap ng fixed o guaran­teed wage plus commission;
– May dalawa o higit pang employer;
– Nag-resign bago matapos ang taon (pro-rated);
– Natanggal sa trabaho (pro- rated); at
– Nag-maternity leave at nakatanggap ng salary differential.

Ang 13th month pay ay katumbas ng 1/12 ng total basic salary na kinita ng isang emple­yado sa buong taon. Maraming kompanya ang naglalabas nito nang mas maaga, karaniwan sa buwan ng November, habang ang ilan ay nagbabayad nang hulugan na kalahati sa kalagitnaan ng taon at ang natitirang parte sa December.

Hindi naman kabilang sa da­pat tumanggap ng 13th month pay ang mga nagtatrabaho bi­lang personal service worker katulad ng yaya, kasambahay, o family driver dahil sakop sila ng Kasambahay Law na may iba pang benepisyo, at pure commission earners na walang fixed wage. Gayunman, paliwanag ni Director Curada, kung ang isang empleyado ay tumatanggap ng commission + fixed wage, ang sahod na fixed ang magiging basehan sa computation ng 13th month pay.

Kung may employer na tumatangging magbayad ng 13th month pay, maaaring magsampa ng reklamo ang mga mangga­gawa sa:
– DOLE Regional/Provincial Office

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here