Home OPINION USEC CASTRO DAPAT MAHINAHON AT MAPAGKUMBABA

USEC CASTRO DAPAT MAHINAHON AT MAPAGKUMBABA

316
0

HINDI lang si Professor Ma Lourdes “Malou” Tiquia ang nakaalitan ni Malacañang Press Officer Atty Claire Castro subalit maraming iba pa kabilang ang mahusay at batiking journalist ng Net 25 na si Eden Santos.

Dumating pa sa punto na dahil sa mga propesyonal subalit kontrobersyal na tanong ni Santos ay ipinatanggal ito sa Malacañang. Dahil ba hindi kaya ng pagtataray ni Castro na pigilan si Santos sa kanyang mga nais malaman?

Sa isang programa, hindi simpleng pagtatalo ang naganap kina Tiquia at Castro. Sa halip, malinaw na pagpapakita ni Castro nang kawalan ng pagpapakumbaba at pagtanaw ng utang na loob sapagkat sana ay nagsisilbing halimbawa siya bilang isang lingkod-bayan.

Bilang isang opisyal na kumakatawan sa Palasyo, si Castro ay may mas mataas na pamantayan na dapat sundin. Ang kanyang pagiging “balat sibuyas” at umano’y pagiging bastos ay hindi lamang personal na kapintasan, kundi isang insulto sa mga mamamayang nagbabayad ng kanyang sahod.

Hindi dapat kalimutan nitong Press Office na ang kanyang pwesto ay hindi isang karangalan na dapat ipagmalaki, kundi isang responsibilidad na dapat gampanan nang may paglilingkod at pagpapakumbaba. Ang kanyang sahod ay nagmumula sa kaban ng bayan, mula sa mga buwis na binabayaran ng mga ordinaryong Pilipino na naghihirap upang magkaroon ng disenteng buhay.

Kung kaya’t hindi katanggap-tanggap na maging arogante at tila nagmamataas si Castro. Ang kanyang pag-uugali ay nagpapakita ng kawalan ng respeto sa mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto. Dapat niyang tandaan na siya ay lingkod-bayan, hindi amo.

Kailangan ni Castro na baguhin ang kanyang pag-uugali at magpakita ng tunay na pagpapakumbaba. Dapat niyang pakinggan ang mga kritisismo at gamitin ito upang maging mas mahusay na lingkod-bayan.

Ang alitan na ito ay isang paalala sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno na ang kanilang pwesto ay isang utang sa bayan. Dapat silang maglingkod nang may integridad, pagpapakumbaba, at respeto sa mga mamamayang nagluklok sa kanila sa pwesto. Kung hindi nila ito kayang gawin, nararapat lamang na sila ay magbitiw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here