MANILA, Philippines – Plano ng Department of Agriculture na magtakda ng maximum suggested retail price (MSRP) na P120/kilo para sa sibuyas dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo sa pamilihan.
Sa Commonwealth Market, Quezon City, nagbebenta ang mga tindero ng lokal na pulang sibuyas sa halagang P280/kilo at imported sa P240/kilo. Kulang na rin ang lokal na suplay.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, dapat humigit-kumulang P100 ang presyo.
Sabi ng DA, sapat naman ang suplay pero limitado dahil isang beses lang inaani bawat taon.
Halos 60,000 MT ng import ang inaasahang darating sa susunod na buwan; 11,000 MT na ang dumating.
Asahan ang pagbaba ng presyo sa pagdating ng bulk imports, dagdag pa ng DA. Santi Celario