MANILA, Philippines – Lumakas pa ang Tropical Cyclone Verbena bilang isang severe tropical storm, ayon sa PAGASA nitong Miyerkules ng umaga.
“As of 8:00 a.m. today, Tropical Storm ‘Verbena’ (11b) (international name ‘KOTO’) has intensified into a Severe Tropical Storm and is being monitored inside the Philippine Area of Responsibility (PAR),” ulat ng state weather bureau.
Huling namataan ang Verbena 295 kilometro kanluran ng Coron, Palawan, may hangin na 95 kph at bugso na 115 kph, na gumagalaw pakanluran sa bilis na 35 kph.
Nananatili ang Signal No. 2 sa Calamian Islands at hilagang bahagi ng mainland Palawan, habang ang Signal No. 1 ay nasa Occidental Mindoro, hilaga at gitnang Palawan, Cuyo, at Kalayaan Islands.
Ayon sa forecast, patuloy itong lilipat pakanluran-kanluran sa West Philippine Sea, lilipas sa hilaga ng Kalayaan Islands, at aalis sa PAR pagsapit ng Huwebes ng umaga, bago magtuloy sa hilaga-kanluran at hilagang-kanlurang bahagi ng dagat sa silangan ng Vietnam.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na patuloy na magmonitor ng mga update. RNT