Home NATIONWIDE Taiwanese na wanted sa US naharang ng BI

Taiwanese na wanted sa US naharang ng BI

199
0

MANILA, Philippines – INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkaka-aresto sa isang Taiwanese national at dating mamamayan ng Estados Unidos, matapos siyang maharang sakay ng MV Star Navigator habang naglalayag mula Kaohsiung, Taiwan, papuntang Pilipinas.

Kinilala ang naaresto na si Tsai Chin Hao, 54, na may Interpol alert at may nakabinbing warrant of arrest sa Estados Unidos, dahilan upang ituring siyang pugante.

Matapos kumpirmahin ng BI INTERPOL Unit, nagsagawa ang mga tauhan ng immigration officers mula sa BI Bay Service Section ng boarding at immigration formalities sa MV Star Navigator, kung saan nakadetect nila ang pagpasok ng barko sa teritoryo ng Pilipinas at agad na nakipag-ugnayan sa mga kaukulang yunit.

Sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI), itinurn-over ng mga boarding officers ang pasahero sa BI Fugitive Search Unit (FSU) pagdating ng barko sa Port of Currimao, Ilocos Norte.

Isasagawa na ng BI ang proseso ng deportation alinsunod sa beripikadong Interpol alert at umiiral na batas sa imigrasyon. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here