Home NATIONWIDE Vatican: Sapat na isang asawa para sa ‘happily ever after’

Vatican: Sapat na isang asawa para sa ‘happily ever after’

234
0

VATICAN – Hindi kailangan ng anumang kumplikadong matematika ang “happily ever after,” ayon sa Vatican, para sa mga Katolikong iginiit na sapat na ang isang asawa.

Sa isang bagong kautusan na inaprubahan ni Pope Leo, sinabi ng top doctrinal office ng Vatican sa 1.4 bilyong Katoliko sa mundo na dapat nilang hangarin na pakasalan ang iisang asawa habang buhay at hindi dapat magkaroon ng maraming sekswal na relasyon.

Inulit ng Vatican na naniniwala itong ang kasal ay panghabambuhay na pangako sa pagitan ng isang lalaki at isang babae.

Ang kautusan, na hindi tumatalakay sa mga relasyon sa parehong kasarian, ay nakatuon sa tinatawag nitong “kayamanan at bunga” ng tradisyonal na kasal.

Hinihikayat nito ang mga Katoliko na maghanap ng isang asawa at maging tapat sa kanila. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here