MANILA, Philippines – Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Marso 30, 2026, bagamat wala pang batas sa pagbabago ng distrito para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa Resolution No. 11181, inilabas ng Comelec en banc ang Calendar of Activities para sa BPE sa susunod na taon, na kinabibilangan ng paghahain ng certificates of candidacy (COC), election, at campaign period.
Itinakda nito ang apat na araw ng filing ng COC mula Enero 5 hanggang 9. Ang huling araw ng pag-post ng listahan ng mga kandidato ay sa Pebrero 2.
Ang tatlong buwang halalan ay itinakda mula Enero 29 hanggang Abril 14, kung saan ipatutupad ang gun ban sa buong rehiyon.
Ang panahon ng kampanya ay mula Pebrero 12 hanggang Marso 28.
Dahil automated ang BPE, ang final testing at sealing ng voting machines ay nakatakda sa Marso 27.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na itinakda nila ang petsa para sa pagdaraos ng BPE sa pag-aakalang may redistricting law.
Nauna rito, inatasan ng Korte Suprema ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na maglabas ng bagong BARMM redistricting law pagsapit ng Oktubre 30, 2025.
Inatasan din ng SC ang Comelec na magpatuloy sa paghahanda at magsagawa ng BPE na hindi lalampas sa Marso 31, 2026.
Gayunpaman, hanggang ngayon ay wala pang naaprubahang batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden