Home NATIONWIDE Bebot timbog sa P100K sextortion

Bebot timbog sa P100K sextortion

249
0

ZAMBOANGA CITY — Arestado ang isang babae matapos umano siyang mag-extort ng P100,000 mula sa isang lalaki pagkatapos ng consensual na pagtatalik, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkules.

Kinilala ng NBI ang babae na si Ellaica A. Usab, kilala rin bilang “Lai Ca” at “Balquis Aidarus Alih,” na nahuli sa isang entrapment operation ng NBI West Mindanao Regional Office (NBI-WEMRO).

Sinabi ng lalaki sa imbestigador na pagkatapos ng kanilang consensual sex, kinuha ni Usab ang kanyang wallet at personal na gamit at humingi ng P100,000 para isauli ito, habang umano’y nagbanta rin sa kanya ng kasong panggagahasa.

Haharapin ni Usab ang mga kasong robbery at extortion ayon sa Artikulo 293 at 294 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here