Home NATIONWIDE Alamin: Iba’t ibang protestang ikinasa sa Nob. 30

Alamin: Iba’t ibang protestang ikinasa sa Nob. 30

266
0

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng mga protesta laban sa korapsyon sa Nob. 30 hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa iba’t ibang rehiyon, ayon sa mga organizer.

Hinikayat ng Trillion Peso March Movement (TPMM) at Kilusang Bayan Kontra Kurakot (KBKK) ang publiko na maglunsad ng aksyon para humingi ng transparency at accountability sa umano’y maling paggamit ng pondo ng gobyerno sa mga infrastructure projects.

Sa labas ng Metro Manila, magaganap ang mga rally sa Dagupan at San Fernando (Ilocos Region), Baguio City (Cordillera), Iba, Zambales at Malolos (Central Luzon), Taytay, Rizal at Calamba (Calabarzon), Puerto Princesa (Mimaropa), Naga at Legazpi (Bicol), Cebu City at Talibon (Central Visayas), Bacolod at San Carlos (Negros), Tacloban (Eastern Visayas), Davao City, at General Santos City (SOCCSKSARGEN).

Kasama sa aktibidad ang mga martsa, prayer rallies, candle lighting, at misa.

Sa Metro Manila, gaganapin ng TPMM ang kanilang pangalawang malaking rally sa EDSA People Power Monument sa Quezon City, habang ang KBKK ay magkakaroon ng ‘Baha sa Luneta 2.0’ sa Luneta Park.

Nagsagawa rin ang parehong grupo ng katulad na protesta noong Setyembre 21. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here