Home NATIONWIDE ‘Shame campaign’ vs LGUs at ahensiya na may malalang red tape, hirit...

‘Shame campaign’ vs LGUs at ahensiya na may malalang red tape, hirit ni Zubiri

256
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) na maglunsad ng pampublikong “shame campaign” laban sa mga lokal na pamahalaan at ahensiya ng gobyerno na kilala sa malalang red tape.

“Eh kung may shame campaign dyan, like for example those LGUs with the most number of complaints, aba maganda tingnan na din ng taong-bayan yan,” ani Zubiri. “Para sa gayon ay alam ng taumbayan. Kasi ang internet ngayon, it’s very unforgiving. Use that platform… kasi nakakahiya na yan.”

Inireklamo ni Zubiri ang kawalan ng pampublikong scoreboard na nagta-track ng red tape noong nakaraang administrasyon, at binigyang-diin na makakatulong ang visibility para sa accountability at pagbabagong asal ng mga botante.

“That will be a challenge for these agencies and LGUs to do better. And the people will be aware so they will not vote for these mayors anymore, all these governors, kasi makikita ang pagnanakaw doon at pahirap sa kanila ng mga pulitiko,” dagdag niya.

Binanggit ni Sen. Sherwin Gatchalian na kabilang sa mga ahensiyang pinaka-madalas na ireklamo sa red tape ang FDA, LTO, BIR, PSA, LRA, SSS, Pag-IBIG Fund, SEC, PhilHealth, at GSIS.

Hinimok ni Zubiri ang ARTA na maghain ng konkretong plano na naglalaman ng listahan ng mga poor performers, mga hakbang para sa pagwawasto, at takdang panahon upang masiguro ang epektibong reporma. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here