Home METRO Correctional officer timbog sa ‘pande-shabu’

Correctional officer timbog sa ‘pande-shabu’

305
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Bureau of Corrections Director General Gregorio P. Catapang Jr. ang preventive suspension kay CTO1 Melchora Wong matapos na umano’y mahuling may dala hinihinalang shabu.

Nahuli umano si Wong na may dalawang sachet ng shabu na nakatago sa pouch ng pandesal sa New Bilibid Prison Gate 1, Maximum Security Compound bandang 7:30 a.m., sa inspeksyon na isinagawa ni CO1 Benito Pancho.

Sa follow-up operation na pinangunahan ni Camp Commander Maj. Henry Avila, nakuha pa ang 33 sachet ng shabu mula naman sa inmate na kinilalang si Reineill T. Dizon, na madalas umanong bumisita kay Wong sa ospital.

Iniutos ni Catapang ang pagsasampa ng pormal na kaso laban kay Wong at pinuri si Pancho na bibigyan ng spot promotion, na formal na ipagkakaloob sa darating na Lunes.

“Ang insidenteng ito ay halimbawa sa ating tauhan: gumawa ng mabuti at gagantimpalaan ka; magpatuloy sa maling gawain at mahuhuli ka,” sabi ni Catapang, at nanawagan sa lahat ng Corrections Officers na maging mapagmatyag at mahigpit na sundin ang mga protokol. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here