Home METRO Traffic aide, pinarang colorum driver sugatan sa barilan

Traffic aide, pinarang colorum driver sugatan sa barilan

333
0

MUNTINLUPA — Sugatan ang isang traffic aide at ang driver ng van sa naganap na barilan sa Barangay Ayala Alabang noong Nob. 26.

Pinahinto ng traffic aide na si Mark Anthony, 36, at ng kanyang MMDA team ang isang van na pinaghihinalaang kolorum sa Filinvest toll gate exit.

Humingi ng permiso ang driver na si Ellord, 48, na ihatid pa rin ang mga pasahero, kabilang ang dalawang matanda na may sakit umano.

Pumayag naman si Anthony pero sumakay siya sa van para tulungan ihatid ang mga ito.

Ayon sa pulisya, sa Acacia Avenue, bigla umanong dumukot ng baril si Ellord na nagdulot ng kaguluhan na nauwi sa barilan kung saan nasaktan ang parehong lalaki.

Agad na inaresto si Ellord at nakumpiska ang baril. Dinala ang dalawa sa Ospital ng Muntinlupa para gamutin. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here