MANILA, Philippines – Kinuwestyon ni Senador Rodante Marcoleta ang kwalipikasyon ni Markus Lacanilao matapos itong italaga bilang pinuno ng Land Transportation Office (LTO).
Sa talakayan sa 2026 budget ng Department of Transportation, binanggit ni Marcoleta na ang tanging kilalang transport-related activity ni Lacanilao ay ang pagsama kay dating Pangulong Duterte sa The Hague bilang Special Envoy on Transnational Crime.
Ipinaliwanag ni Senador JV Ejercito na may karanasan si Lacanilao sa motorsports, naging bahagi ng imbestigasyon sa LTO noon, may pamilya sa negosyo ng bus, may kaalaman sa car importation, at isang road safety advocate.
Gayunpaman, iginiit ni Marcoleta na marami pa ring problema sa transportasyon ang dapat tugunan at maaring makita ng publiko na premyo ang kanyang pagtatalaga para sa serbisyo kay Duterte.
Nag-defer si Lacanilao sa desisyon ni Pangulong Marcos Jr., habang tiniyak ni DOTr Secretary Giovanni Lopez na ipatutupad ang kinakailangang reporma sa LTO. Pinalitan ni Lacanilao si Atty. Vigor Mendoza II sa naganap na reshuffle sa DOTr. RNT