Manila, Philippines – Tulad ng inaasahan, sumipot si Quezon City First District Rep. Arjo Atayde nitong November 25, Martes sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure.
Ito’y para bigyang linaw ang pagkakadawit niya at ang kanyang amang negasyanteng si Art Atayde sa flood control scam as alleged by contractor Curlee Discaya.
Ayon sa pahayag ng mag-asawang Discaya, tumanggap ang mas matandang Atayde ng P60 million.
“It’s all hearsay po,” panimula ni Arjo.
Mas mabuti raw na bago magturo ng mga taong sangkot sa mga maanomalyang flood control project, dapat ay may matibay na ebidensya.
Mula daw kasi noong September 8, hindi pa naglalabas ng kahit ano laban sa kanilang mag-ama para papanagutin sila.
Willing naman daw sila ng kanyang ama na maimbestigahan.
Hindi rin daw nagtatago o umiiwas si Arjo, o may balak lumipad ng bansa.
Sa katunayan, weeks ago ay siya na raw misno ang humiling para mapabilis ang proseso ng pag-iimbestiga sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat sa ICl.
Nakahanda na rin daw ang kanyang affidavit, “laying everything on the table.”
Ayaw daw ni Arjo na i-invalidate ang nararamdaman ng publiko, pero kinailangan niyang mangalap ng ebidensya “to prove his innocence.”
Nilinaw din ng Kongresista na tinanong siya misno ng ICl kung executive session ang gusto niyang mangyari–whether live stream o hindi.
“With due respect to the Commission, they asked me naman po,” aniya.
At one point sa pagharap sa media, muntik nang mapaiyak si Arjo–dahilan para itigil pansamantala ang pagtatanong sa kanya. Ronnie Carrasco III