Home NATIONWIDE Desisyon ng ICC sa pagbasura ng apela ni Digong na interim release,...

Desisyon ng ICC sa pagbasura ng apela ni Digong na interim release, iginagalang ng Malakanyang

289
0

MANILA, Philippines – Ginagalang ng Malakanyang ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na ibasura ang apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pansamantalang pagpapalaya.

“The International Criminal Court has already made its decision, and the Palace respects it,” ayon kay Palace Press Officer Claire Castro sa text message. 

Noong Setyembre 26, ibinasura ng pre-trial chamber ang hiling ni Duterte, na nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng murder at attempted murder.

Umapela ang kanyang abogado noong Oktubre 14, iginiit na nagkamali ang hukuman sa paghusga na delikado si Duterte at sa hindi pagtanggap sa mga garantiya ng estado.

Sa apela, binigyang-diin ni defense counsel Nicholas Kaufman ang edad at kalusugan ng dating pangulo.

“Mr. Duterte is 80 years old, infirm, and debilitated. It is, quite simply, cruel to detain him while he enjoys the presumption of innocence,” aniya.

Dagdag pa sa filing na si Duterte “has neither the desire nor capacity to flee or to return to a life of power or politics,” at pumayag na sa “most restrictive conditions for release ever proffered” sa ICC.

Hinihiling ng kanyang kampo na baliktarin ng Appeals Chamber ang desisyon at pahintulutan ang kanyang pansamantalang paglaya sa isang State Party na handang tumanggap sa kanya.

Ngunit iginiit ng ICC na may mga indikasyon ng panganib.

Binanggit ng pre-trial chamber na mula pa sa simula ay kinuwestiyon ni Duterte ang kanyang pag-aresto, na tinawag niya umanong “pure and simple kidnapping.”

Tinukoy din ng ICC ang pisikal na pagtutol at pampublikong panawagan ng kanyang pamilya na ibalik siya sa Pilipinas.

Lalo nitong binigyang-diin na noong Hulyo 19, 2025, ang kanyang anak ay “mentioned in public speeches the idea of breaking Mr. Duterte out of the ICC Detention Centre” at sinubukang ipawalang-bisa ang proseso ng korte. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here