Home ENTERTAINMENT Kiray, bet magka-anak ng 7!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kiray, bet magka-anak ng 7!November 29, 2025 12:253270 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa ngayon, nagkakasya muna sa inuupahang condo unit ang soon-to-be married couple na sina Kiray Celis at Stephan Estopia.Pansamantala lang naman daw ito habang pinag-iipunan nila ang magkaroon ng sariling bahay.Mas inuna kasi ni Kiray na bigyan ng tirahan ang kanyang mga magulang at tatlong kapatid.Dugo’t pawis ang naging resulta ng naipatayong dalawang building ni Kiray, na may anim na palapag bawat isa.‘Yung ibang floors daw sa isang building ay pinauupahan ng kanyang ina para may regular income.Kiray’s next target–sariling bahay na nila ng kanyang magiging katuwang sa buhay.If already Mrs. Estopia, ilang supling ang gusto ng Kapuso star?”Pito!” seryoso niyang sagot.Ang paliwanag niya–apat lang daw silang magkakapatid, na noong magkabahay na’y bihira na lang magkita-kita.”Kaya gusto ko marami as in seven children…pero,” saglit na natigilan ang komedyana.Hindi daw kasi niya alam kung makakapito pa siya to think na 31 years old na daw siya ngayon.Hoping for the best naman si Kiray habang aligaga sa kanilang December wedding.At take note, sa Amanpulo lang naman ang kanilang honeymoon–sponsored! Ronnie Carrasco III