Home METRO 4-anyos na bata utas sa sagasa ng SUV sa Sampaloc, Manila

4-anyos na bata utas sa sagasa ng SUV sa Sampaloc, Manila

275
0

MANILA, Philippines – Dalawang bata ang iniulat na nasawi matapos masagasaan ng SUV at truck sa magkahiwalay na pagkakataon sa Sampaloc at Tondo, Maynila.

Ngayong umaga, kasalukuyang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pagkamatay ng isang bata na umano’y hit and run sa bahagi ng kanto ng Capulong Street sa kahabaan ng Road 10 sa Tondo ng isang truck.

Samantala, isang 4-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos mabangga ng isang sport utility vehicle (SUV) habang namamalimos sa kahabaan ng Algeciras Street, corner España Boulevard, Sampaloc, Manila.

Inimbestigahan na rin ng pulisya ang 34 anyos na driver.

Sa ulat ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), dakong alas-12:25 ng tanghali nang maganap ang aksidente noong Huwebes, Nob. 27.

Ang mga paunang pagsisiyasat ay nagpapahiwatig na ang mga sasakyan ay huminto sa pulang ilaw sa Algeciras Street habang ang bata ay iniulat na tumawid sa pagitan ng mga kotse upang humingi ng pera o pagkain.

Nang maging berde ang ilaw, umusad ang SUV at natamaan ang bata, na naging sanhi para tumilapon at nagtamo ng matinding pinsala.

Agad siyang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center kung saan idineklara itong dead on arrival.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang kaso laban sa kanya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here