CALOOCAN CITY, Philippines – Swak sa selda ang isang 21-anyos na lalaki na wanted sa kasong rape nang arestuhin sa naganap na manhunt operation sa Caloocan City.
Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Northern Police District (NPD) hinggil sa kinaroroonan ng 21-anyos na akusado na si alyas “Roger”.
Kaagad ikinasa ng mga operatiba ng DACU ang manhunt operation hanggang sa masukol ang akusado dakong alas-3:50 ng hapon sa A. Bonifacio Street, Pag-Asa, Camarin, Barangay 175.
Hindi na nakapalag ang akusado nang damputin ng mga operatiba ng DACU sa bisa ng warrant off arrest na inisyu ng Family Court, NCJR, Branch 1 para sa aksong Rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng NPD-DACU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte na nag-isyu ng warrant. (Merly Duero)