Home HOME BANNER STORY Pinay OFW patay sa sunog sa Hong Kong – consulate

Pinay OFW patay sa sunog sa Hong Kong – consulate

294
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang pagkasawi ng isang overseas Filipino worker sa nangyaring sunog noong Nobyembre 26 sa Tai Po district.

Sa official advisory, bagamat hindi pinanganalan ng konsulado ang biktima ay inilarawan ito bilang isang OFW na “left her home to seek better opportunities abroad and had made numerous sacrifices to support her family.”

“The Consulate General extends our heartfelt condolences to her family, friends, and loved ones at this trying time,” saad sa pahayag.

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon patungkol sa kung paano nasawi ang biktima.

Sa hiwalay na abiso, kinumpirma ng Philippine consulate na kumpirmadong ligtas ang 79 Filipino, habang 12 pa ang isinasailalim sa beripikasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here