Home HOME BANNER STORY Operasyon ng Airbus fleet back to normal na – DOTR

Operasyon ng Airbus fleet back to normal na – DOTR

226
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na balik na sa normal ang operasyon ng mga apektadong Airbus flights kasunod ng global software upgrade nitong Sabado ng umaga.

Sa pahayag, sinabi ni DOTr Secretary Giovanni Lopez na mabilis na tumugon ang mga airline company para tulungan ang mahigit 15,000 pasaherong apektado.

Nagbigay din ng pagkakataon ang mga ito para sa rebooking, full refunds, at flight e-vouchers.

“Ang bilin sa atin ng Pangulo dapat matiyak na ligtas ang ating mga pasahero at mabigyan sila ng mga kailangan gaya ng makakain at maiinom habang naghihintay ng flights. Kaya nagpapasalamat tayo sa mga airlines dahil nagtulong-tulong sila para sa mga apektadong pasahero,” ani Lopez.

Matatandaan na apektado ng global system upgrade ng Airbus A320 at A321 aircraft ang nasa 15,000 pasahero dito sa Pilipinas dahil sa pagkaantala ng 93 local flights.

Noong Biyernes ay ipinag-utos ng Europe-based Airbus ang agad na pagsasaayos sa 6,000 sa ginagamit nitong A320 family aircraft na nakaapekto sa mahigit kalahati ng global fleet na nagdulot ng pagkaantala sa mga biyahe. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here